
To see a World in a grain of Sand and Heaven in a wildflower, Hold infinity in the palm of your hand and eternity in an hour... William Blake
.
It's been awhile, since I said hello, thanks for the tag too. The holiday season in once again started over here. Thanksgiving was yesterday, but my family and I are celebrating today.
the poems amazed me alot talaga. I wish to read more of your poems Kudos... for sure I'll chck this website everynow and then
Kapag hindi mo mahanap ang tamang salita upang bigyang tinig ang mga nais mong sabihin at hindi mo na kayang tawagin sa kaniyang pangalan ang Kalungkutan dahil kapag binanggit mo ito, alam mong lilingon ang mga mata niyang lagi nang luhaan.
At alam mong kailangan na siyang tawagin sa ibang pangalan ngunit hindi mo tiyak kung lilingon rin siya kapag tinawag mong “Pagmamahal.”
Maari mo ba siyang tawaging “Kaligayahan” kung alam mong wala ito sa kaniyang tunay na kahulugan? Hindi kailanman magiging ganito ang pangalan niya.
Gaganti ba siya kapag tinawag mo siyang “Katangahan” at sasabihin niyang “Ikaw ang pumili sa aking makasama. Ikaw ang nagyaya sa aking makisalo sa iyong hapag at ngayong naubos na ang kayang mong ibigay ay tatawagin mo akong lapastangan.” Matatanggap mo ba iyon? Ikukumpisal mo bang ikaw ang may kasalanan?
Tatabihan mo pa ba siya kahit alam mong siya na lamang ang tanging natitira mong kasama sa madilim na silid na iyong kinalalagyan at siya na lamang ang tanging yumayakap sa iyo sa malalamig na gabing kailangan mo ng kasama at walang ibang nariyan maliban sa kaniya.
Padadamayin mo pa rin ba siya kapag ika’y umiiyak upang pahirin ng kaniya ring luha ang iyong mga luha. Tatawagin mo pa ba ang kaniyang pangalan.
At kung magiging masaya ka piling ng Kalungkutan. Malulungkot ka pa ba?